Ang sakit pa rin matalo

I think this sorry (putangina napaka-sorry as in no char) loss is a lesson for each and everyone of us. ... na kahit #1 tayo after the e...

I think this sorry (putangina napaka-sorry as in no char) loss is a lesson for each and everyone of us.

... na kahit #1 tayo after the elimination chemerloo, eh hindi ibig sabihin automatic karne na ang ulam.

... na dahil nakapag-champion (plus one runner up) lang tayo, eh forget me not na yung eight (2008 - 2016) years na nganga lahat.

... at hindi dahil masakit (AS IN PUTANG INA PO MASAKIT) sa loob na talo, eh may K ka na maging bastos/balahura o kaya naman man-discredit ng panalo.

Naiintindihan ko naman na shempre mega taas ng expectations mo (natin actually kasali ako hahahahuhu).

Nasa tuktok ba naman ng standings mga lolo natin... sino ba kasi ang manghihina ang loob at sasabihing "ay hindi kami mananalo ever"?!

Like, heller?! Pakatotoo lang tayo.

Tapos, dagdag mo pa na parang nakakapanibago pa ring makita silang wala sa ilalim, diba? Kaya talagang parang proud na nanay o tatay o kuya o ate ka.

"Team ko yan! Gi-neb-ra!" Gano'on.

Kaso ang problema minsan, ano... sa sobrang excitement ba o expectorant, nagbibilang na agad tayo ng sisiw, eh wala pa ngang itlog lols

Kaya sa susunod na conference, wag masyadong pabibo ha? (unless si Momon ka hahahahah)

Next, ito... hindi ko alam kung ako lang nakaramdam nito o ano..

NASAN KA NUNG 2008 TO 2016?

ANONG GINAGAWA MO DURING THOSE EIGHT YEARS?

NAGKA-SELECTIVE AMNESIA KA BA AT NAKALIMUTAN MONG KANGKONG TAYO FOR ALMOST A DECADE?

Hindi dahil nakamit natin yung championship trophy nung October last year (AT OO, BITTER PA RIN AKO NA WALANG LOBO PAKER NA YAN), eh ibig sabihin buburahin mo na yung masasamang alaala ng kahapon.

Wag ganoin.

Pupwede mo namang ilagay sa box at itago sa ilalim ng lababo yung walong masasakit na taon, pero wag mong kalimutan.

Hindi ko rin naman sinasabing alalahanin mo araw-araw kasi jusq hindi ka ba naman ma-ospital sa stress niyan wahaha

What I mean is, kahit na gusto nating lahat na hindi makuntento sa isang championship lang ang mga players natin... eh ibig sabihin nun focus na lang tayo sa panalo lagi.

Dapat wag natin kalimutan ang kangkungan kung saan tayo umusbong at lumago.

Wag natin balewalain yung sandamukal na conferences na fakkk puro jelling, puro staff change, puro trade, puro leche walang game plan, puro tangina ginebra ano na ano na ano na.

Kasi yung walong taon na yun, hindi dapat kinakalimutan o ikinahihiya... badge of honor nating mga fans yun.

#battlescar, ganyan.

Sa tingin mo may ganito karaming fans ang ibang teams na handang magpakatanga sa kanila ng eight years?

At sa tingin mo, ganito karaming fans ang kayang magtiis sa isang team na, hindi lang palaging laglag ha, marami pang mga players ang mukhang walang ganang maglaro?

Aba, tayo lang naman ang muntanga talaga eh hahahahahahahahha

Pero, seryoso. Ba't ka nahihiya sa pagiging kangkong?

Eh as far as I know, yung taon-taong kangkong natin made that 2016 chip that damnnnnnn good. Deba?

(Disclaimer: pero fotanginerz, wag naman ulitin yung 8 years jusqqq)

And lastly, hindi porke't medyo pumapayagpag ng slight ang mahal nating VEGGIEnebra, eh akala mo na kung sino ka.

Mga koyah't ate, first of all, kahit na may "luto" gesture (hi troy ö) at kung anek anek pang paandar ang ibang tao eh ibig sabihin pwede ka na ring balahura.

Jusko, wag mo naman panindigan yung "squatter fan" na binibintang nila satin.

Kaya nalilintikan ang ibang Ginebra fans katulad ni Momon eh hahahaha

But seriously though, nang gagalaiti ka sa mabahong bungaga ng ibang fans tapos ikaw rin pala may mga paandar na over over.

Wag, gano'on.

Let's be gracious in defeat.

(huy grabe, 8 years tayong defeat na defeat dapat memorize na natin yang let's be gracious let's be gracious na yan)

Seryoso.

Masakit matalo, oo. As in.

Yung gusto mong sumigaw kasi napaka-unfair! Hindi injured ang import natin, pero tayo ang magbu-book ng ticket pa-Bora! Bakeeeeeet??

Yung gusto mo yugyugin yung katabi mo hanggang makalimutan mo yung hiya na mararamdaman mo dahil super nagyabang ka na magcha-champion tayo. Yan kasi!

At yung gusto mong kumain ng hapunan, pero putanginaaaaaaa talo ginebraaaaaa

Pero hindi dahil wasak na wasak ang puso ni nasty mac, eh magtutweet ka ng kung ano ano.

(Ok fine to each his own opinion, pero lumugar naman ples)

Nanalo ang TnT kasi feeling ko gusto nila magpa-sweep sa SMB chereeeet hahaha

Hindi, ito seryoso...

Nanalo ang TnT kasi they played better than us. (Huhu jason castro, what did i ever do to you to deserve thissss)

Nanalo ang TnT kasi added push yung #NSD ni kuya Josh.

At, nanalo ang TnT kasi they wanted it more.

Pero!

Pero hindi ibig sabihin nun eh hindi ginusto ng Ginebra manalo.

TnT must have wanted it more.

But let's not start pointing finers again (past time pa naman natin yan lolz), and take away the fact that Ginebra fought to win.

(Hindi naman nila ginustong matalo diba? Diba? DI... BA....?)

Kaya kahit napakasakit, let's welcome this (putanginaaaa napakasorry talaga) sorry loss with grace and heads held high.

At kung ano man ang paraan mo para malagpasan itong pagkatalo na ito...

... sana sa susunod na conference nasa twitter ka pa rin at nagpopost ng pa-dahon emoji.

... sana wag kang magsawa (ngayon pa ba talaga?! Hahahaha) sa pila sa labas ng Araneta o Cuneta.

... at sana, sana manalo uli ang ating Ginebra.

PS: Nasan na yung fanney na sabi eh cooking show ang game 4? Anyare teeehhhhh anyareeeee 😩

You Might Also Like

1 comments

  1. Cute ng antics mo girl.. Totoo yan! Dapat fanning with grace pa rin, manalo-matalo man. P.S: special mention tlga si Kuya Momon.. haha ma tweet nga.

    ReplyDelete

Oh, hello there.