Thank You Ginebra

Huhubels hashtag sadface Sa dinami-dami ng gusto kong sabihin sa inyo, ito lang ang nag-stand out - Ginebra, thank you.

Huhubels hashtag sadface
Sa dinami-dami ng gusto kong sabihin sa inyo, ito lang ang nag-stand out - Ginebra, thank you.

Thank you kasi pinarealize niyo sa akin na kahit gaano pa kalupit ang line-up ng isang team, kung waley - waley talaga.

Thank you kasi pinarealize niyo sa akin na kahit gaano ka pa ka die hard fan, kung talo - talo talaga.

Thank you kasi pinarealize niyo sa akin na kahit gaano ka kaexcited manood ng game, kung gutom ka - kumain ka muna.

Kasi ngayong talo (na naman) tayo, at ngayong eliminated (na naman) tayo, di na ako makatayo para makapag-prepare ng dinner.

Nawalan na ako ng gana kumain.

At baka konti na lang ay mawalan na rin ako ng malay sa kahaveyan ng mga pangyayari.

To tell you honestly, napaka basic ng knowledge ko pagdating sa basketball.

Hindi ako hoop junkie. Hindi ko bet yung mga stats churvaloo. 

Ang alam ko lang eh yung ff:

* 2pts 
* 3pts 
* free throw 
* senyas ng offensive/defensive/flagrant fouls 
* travelling 
* 24 shot clock violation
* 30 sec/full time out
* pg, sg, f, pf, center

Ah basta, basic.

Kumbaga MS Paint ako, di Adobe Photoshop. Ganun.

Kaya malay ko ba naman kung talagang nahihirapan talaga ang mga beauty niyo sa kalaban.

Ano bang alam ko sa mga plays na dinidrawing diyan sa maliit na white board niyo.

Kasi ano, ako kasi, emosyon ang pinapairal ko eh.

Yung makita kayong naghihingalo kakahabol sa depensa at sa mga loose balls..

Yung makita kayong tagatak ang pawis sa pag execute ng plays niyo (kung meron man lol)..

Yung makita kayong buong pusong kumakayod para sa sweld- ay para sa fans ninyo..

Dun ako nabubuhayan ng loob.

Dun ako bumibilib.

Dun.

Kaya kahit en route (na naman) tayo sa islang binabalik balikan natin for the past six years..

Thank you kasi pinaalala niyo sa akin na yung tanginang never say die na yan, sa gawa yan, hindi sa salita o sa tweet o sa hashtag.

Thank you kasi pinaalala niyo sa akin na yung unang game na pinanood ko as a Ginebra fan, eh na thrown out si Mark, walang katulong na "superstar" si JJ, natalo ang team natin, pero wala akong naaninag na kawalan ng pag-asa.

Thank you kasi pinaalala niyo sa akin na mas gugustuhin ko pang matalo kayo ng paulit-ulit pero lumalaban, kesa mag champion kayo.

Akala ko wala ng mas sasakit pa nung tinalo tayo ni Tim Cone nung Game 7 last conference.

Parang Niagara falls ang mukha ko sa kaiiyak nun, pero kanina..

Di ako naiyak, pero yung puso ko..

You could hear my battered Ginebra heart breaking..

Once again.

All over again.

Hindi na ako stressed o disappointed. Dahan dahan niyo nang pinapatay ang puso ko.

Masakit. As in.

Yung umiiyak na walang sounds, yun.

Ganun ka sakit.

Pero thank you pa rin kasi for the past six years na roller coaster ride, ang dami niyo life lessons na naimpart sa akin.

Thank you kasi natuto na ako to "just hope for the best, but to not expect anything".

Thank you kasi, sa bawat conference na di tayo umaabot sa glory land, natuto na akong mag put up ng walls to fend off the pain.

Thank you kasi, natuto ako na kahit pa sabihin nilang gasgas na there's really no other way but to #bounceback hahahahahaha.. sorry.

Baka naman sabihin niyo ang mean mean ko, pero I know.

I know that the players and coaching staff, they didn't want to lose din naman.

Sino ba naman ang gustong matalo, diba? (Unless na lang kung ano ka.. lol)

Tapos may mga fans pa katulad ni ano.. ni ako.. na di masyadong nice ang tabas ng dila..

May mga fans na puro reklamo lang, reklamo dito reklamo doon..

May mga fans na nangaaway ng kapwa fan kapag di nila peg yung opinion ng iba..

In other words, sobrang die hard fans (o die hard fan ba talaga) na minsan sumusobra na rin naman talaga.

Kaya ako, kahit na masakit, nagpapasalamat pa rin ako sa lahat ng bumubuo ng Barangay Ginebra San Miguel.

Thank you kasi, kahit talo kayo for the past six years, you guys are still something I cheer for.

Thank you kasi, kahit di ko gets ang plano niyo o kung may plano man kayo, you guys are still something I smile about (kahit minsan ngiting aso na haha)

Thank you kasi, kahit pa sabihin nilang sa kangkungan tayo o Na Sweep Dre o beach lovers tayo, rooting for Ginebra has been, and still is, one hell of a journey that I'm thankful for.

Alam kong gusto niyong sabihin sa aming mga fans na disappointed kayo sa mga sarili niyo.

Kami rin disappointed sa inyo hahaha

Pero seryosong usapan, in one way or another, I know na gusto niyong ipaalam sa amin na babawi kayo next conference..

You don't need to say it, we already know.

All you need to do now is to do it. Walk the talk. O walk the hashtag.

I know na gusto niyo rin ipaabot sa amin na wag kaming magsasawa o bibitaw..

You don't need to say it, 'matik na yan.

And last but not the least, alam kong (feeling alam ko talaga lahat haha) gusto niyong sabihin sa amin na wag kaming mawalan ng pag-asa dahil dadating din ang time natin..

Well.. ok. Chos!

Seriously, though..

Kung binigay niyo lahat ng fight na meron kayo against TNT kanina, thank you.

Kung yung never say die spirit ay pinairal niyo vs the tropang texters kanina, thank you.

Kung you've given the best you've got kontra Talk N Text kanina, thank you.

Kahit talo at eliminated (na naman) tayo, thank you pa rin.

Thank you kasi kahit papano, lumaban pa rin naman kayo.

At kung nakakaramdam kayo ng matinding pressure right now, may isang fan (in me) na hindi na humihingi ng championship mula sa inyo.

Kahit na matalo pa kayo ng six more years, if you go out fighting every game, solb na ako dun.

PS: Pero my god ha, manalo naman kayo sa susunod. Please. Thank you.

You Might Also Like

2 comments

  1. Manalo naman kayo. Nabigay na namin mga fans lahat lahat ng klseng suporta ah, kayo ba, binigay nyo na ba lahat ng kaya nyo para manalo? Lintyak ah daming superstar sa team nyo, sabi ko nga kanina sa pamangkin ko, tingnan mo ung ibang team hindi halos kilala ung mga player pero anak ng lintek pag naglalaro, gumagawa, walang superstar masyado eh, suporthana lang ang laro. Kanina yung laro nyo, sorry to say ha, sorbrang tumal, matumal pa sa nagtinda ka ng halu-halo sa kasagsagan ng bagyo. Hindi namin nakita ung espiritu na never say die na pinanghawakan ng sa loob ng mahabang panahon. Baka naman kse ayaw nyo na at napi-pressure na kayo sa amin. Sabihin nyo na ng maaga para hindi tayo pare-pareho nagsasayang ng panahon. Pero ito lang ang masasabe ko, habang may buhay may pag-asa. Umaasa pa din kaming isang araw masusungkit din natin yan p$%@@ng napakailap na kampeonato na yan. Pero gusto namin pag nag-Champion tayo kayo pa din ang players ha. Pinghirapan natin yan eh, wag naman pag nakuha natin ang kampeonato eh halos mga apo na natin ang naglalaro, wag ganun mga tol hahaha Anyway, pahinga muna , let's just call it a day. or should we say, a conference. Papahinga na din muna kami habang naghihintay sa susunod na pagkikita. Til then , mga Kabarangay. Mabuhay tayong lahat hahaha NSD!

    ReplyDelete
  2. Thumbs up! Di ko na kailangang mag compose ng letter o mag isip pa ng sasabihin ko for our team.... nasabi mo na lahat!

    ReplyDelete

Oh, hello there.