Ang sagot sa tanong na..

Minsan naiisip ko na, putang ina, deserve na deserve na ng mga Ginebra fans na manalo ulit. Alam mo yun? Eight years. As in, eight years...

Minsan naiisip ko na, putang ina, deserve na deserve na ng mga Ginebra fans na manalo ulit.

Alam mo yun?

Eight years. As in, eight years na.

Eight fucking, heartbreaking, gut-wrenching long years.

College pa ako nung huling panalo nila.

When I started blogging about this "drought", eh four years palang tayong tigang.

Yung pinanganak nung 2008, mag-ge grade two na sa pasukan.

In other words, walong taon na tayong nagmumukhang tanga.

Pero okay lang. No problem.

Ganun naman talaga eh. Minsan talo, minsan panalo.

Hindi pa naman end of the world kung hindi sila manalo ng championship diba?

Hindi naman ata tayo mawawalan ng trabaho dahil hindi sila nakalagpas ng quarterfinals diba?

Hindi naman siguro kawalan sa atin yung bakasyon na uli sila diba?

Pero, masakit.

Tangina. Masakit.

Masakit hindi dahil natalo.

Masakit hindi dahil aasarin kami ng "kangkong".

Masakit hindi dahil after eight years, nganga na naman.

Kasi yung talo? Yung kangkong? Yung nganga?

Jusko. Sanay na sanay na kami dyan.

Walong taon na kaming praktisado dyan.

Aminin man ng ibang Ginebra fans o hindi..

Kapag opening lahat kami iniisip na "ito na uli, bagong chance uli" pero at the back of our heads.. Andun yung "mananalo na ba talaga?" O "Kaya na ba talaga?".

And, it's okay. Okay lang talaga, as in

Lahat tayo dadaan at dadaan dyan sa doubts chemerloo na yan.

Kung malalagpasan mo, congratulations!

Kung hindi, eh di wag! Hahaha

Pero alam mo yung tunay na masakit?

Yung chest hollowing disappointment na mararamdaman mo every time na nalalaglag sila.

Kasi yan, believe it or not, hindi kayang sanayin ang sarili dyan.

And worst of all, kada taon, kada conference, kada laro - it keeps on growing and growing and growing.

And I don't think I'll ever stop feeling disappointed until they win it all again.

Kasi lahat lahat, bilang fan, nagawa mo na eh.

Yung magsisigaw na parang walang bukas sa Araneta o Sa MOA o sa bahay.

Yung makipag away, at kulang na lang makipagpatayan, sa Twitter dahil ipinaglalaban mo sila vs trolls and other fans.

Yung umiyak sa tuwa kasi naka buzzer beater, at umiyak sa galit dahil - #whatisnew.

Nagawa mo na lahat ng kayang mong gawin.

Pati nga siguro lahat na ng Santo nadasalan at napag alayan mo na.

O baka naman narindi mo na sila sa paulit-ulit mong prayer request na sana manalo na ang Ginebra.

But gusto kong malaman mo na okay lang magalit, okay lang malungkot, okay lang madisappoint.

At higit sa lahat, I want you to know na saludo ako sayo.

Saludong saludo ako sa bawat Ginebra fan.

Mapa-team thunders ka man o team pogi.

Mapa-team #bounceback ka man o team #tanginaniyoginebra.

Mapa-team never say die ka man o team kangkong.

Saludo ako sa bawat isa sa inyo.

Hindi madaling magmukhang tanga. Lalo na walong taong in the making na. Hahaha

Hindi ka nagkulang.

Lahat lahat na naibigay mo.

At, I'm pretty sure, handa ka pa sigurong ibigay ang natitira sayo para sa kanila.

Pero I think it's high time for them to realize something.

Hindi pa ba enough yung walang sawang pagsuporta for the past eight years para marealize nilang deserving na tayong magsisigaw sa tuwa after a playoffs series?

Hindi pa ba enough yung masasakit na salita na naririnig for the past eight years para marealize nilang worthy na tayong ipagpanalo ng isang trophy?

Hindi pa ba enough yung iyak, inis, galit, lungkot, at disappointment na nararamdaman for the past eight years para marealize nilang "tangina, dapat bigyan na natin ng rasong lumigaya ang mga muntangang ito"?

Kasi at this point in time?

Wala ng worth yung "lumaban naman kami ah".

Wala ng worth yung "we did our best".

Wala ng worth yung "we'll make it up to you next time".

Gasgas na gasgas na yan mga yan. And I don't think I can even swallow those excuses for what we have now and for what is to come.

Pero alam mo, may narealize din ako.

Talaga bang, bilang isang die hard fan, lahat na ba ng pwede nating sabihin o gawin for Ginebra eh nailatag na?

Talaga bang lahat lahat ng pwede nating ibigay eh naibigay na?

Minsan naiisip ko na, putang ina, deserve na deserve na ng mga Ginebra fans na manalo ulit.

Pero kanina while reading disgruntled tweets from fans, naisip ko na we are not just worthy of it.. Yet.

Hindi pa tayo nararapat manalo ng kampeonato.

Kasi sa lahat lahat ng mga masasakit na salita, mura, pagmamakaawa, pag demand at kung ano pa na ipinarating natin sa Ginebra..

All this time, hindi tayo naglakas loob na ipa-abot sa kanila ang pinaka importanteng tanong na..

Dear Ginebra,

Yung totoo? Gugustuhin ba naming malaman ang sagot sa tanong na -

Do you really, as in really, believe that Ginebra fans are worth winning that championship for?

You Might Also Like

1 comments

Oh, hello there.