EKstreme Tower Ride: Ginebra Edition

Smile kahit feeling mo mamamatay ka na Kahapon, habang kinakabahan ang karamihan ng mga Ginebra fans sa #DoOrDieSunday, ako rin ay kin...

Smile kahit feeling mo mamamatay ka na

Kahapon, habang kinakabahan ang karamihan ng mga Ginebra fans sa #DoOrDieSunday, ako rin ay kinabahan.

Sasakay kasi kami sa EKstreme Tower ng Enchanted Kingdom.

Taragis. Akala ko katapusan ko na.

May fear of heights kasi ang lola niyo. At paranoid ako. At panikera ako.

Pero in fairness, masaya naman ang third to the last Sunday ng 2012 ni Stephanie.

Hindi ko nga lang akalain na pagdating na pagdating ko sa bahay, ang pagkatalo ng Ginebra ang bubungad sakin.

Nagalit ba ako? Hindi.

Nainis ba ako? Hindi rin.

Nalungkot ba ako? Hindi eh.

Ayoko sabihing sanay na akong hindi umaabante ang Ginebra sa Finals (o semi-finals).

Ayoko sabihing sanay na akong nalalaglag ang Ginebra sa semi-finals (o quarter finals).

Ayoko sabihing sanay na akong mag-"expect the worst" pagdating sa mga games ng Ginebra (kahit sa eliminations pa lang).

Ano pa ba ang pwede kong sabihin?

Sobrang gasgas na yung "tiwala lang".

Halos lahat ata ng blog posts ko, yan ang tema.

Sobrang gasgas na rin yung "bawi na lang next time/game/conference".

Kasama rin yan sa mga most loved themes ng Ginebra entries ko.

Pero mas pinaka (mas na nga, pinaka pa) gasagas na yung "kapag fan ka, be there during the bad times and not only the good times".

BUT. May malaking but.

But it doesn't necessarily mean na porke't gasgas na yung mga linya na yan, eh hindi ko na gagamitin.

Kasi kahit hundreds of years from now, yang mga "sayings" na yan, kahit English, Tagalog, Bisaya man, at kahit gasgas na gasgas na, kahit papano, in one way or another, nakaka-alleviate pa rin ng pain.

Try natin ang "look at the positive side".

At least, hindi tayo natalo sa semi-finals. Mas masakit yun kesa sa quarter finals.

At least, umabot tayo sa knock out game. Ang ibang teams nga hindi.

At least, Rain or Shine. Hindi Pure Foods (B-MEG, San Mig Coffee). Alam niyo na yan.

Alam ko, kung hindi gasgas, eh puro kalokohan ang nilalaman ng blog post ko.

Pero hindi ko alam ano ba ang dapat (hindi gusto) niyong mabasa ngayon na laglag na naman tayo.

Kaya ikukwento ko na lang yung pinaka-unang ride na na-experience ko sa Enchanted Kingdom kahapon.

Sobrang matatakutin ako. Promise.

Konting kaluskos lang, feeling ko Paranormal Activity na.

Konting galaw lang ng katabi ko sa bus, feeling ko hoholdapin na ako.

Konting.. panic mode na ako. As in panic mode na. Panic.

Kahapon, ayoko talaga sumakay dun sa EKstreme Tower.

Yung ride na uupo ka, tapos iaangat ka ng mga more or less three floors, tapos ibabagsak ka within a span of two to three seconds.

Tangina. Kahit nung pinapanood ko pa lang yung ibang tao na naghihiyawan, nasusuka na ako sa takot.

Pero syempre, bawal KJ.

Kaya go sa mahabang pila ang lola niyo.

Parang pag-suporta lang sa Ginebra yan eh.

May iba, Ginebra ang favourite team kasi sikat, maraming fans, paborito kasi ni Tatay, atbp.

Minsan hindi natin choice, minsan napilitan lang tayo, o kaya minsan nadala tayo sa agos o kagustuhan ng mga tao around us.

Pero habang nasa pila ka, napapanood mo rin ang mga taong nauna sa'yo na sumakay sa ride na yun. Yung mga taong aapekto sa desisyon mong sumakay o hindi.

May lalaki na sigaw nang sigaw ng "Putang ina", if I know feeling strong lang si kuya nung time na yun.

May isang babae na umiiyak at hindi makatayo after nung ride, in fairness awang-awa ako sa kanya kasi mukhang napilitan lang siyang sumakay.

May mga ibang tao naman na wala lang. Yung mga "yun na yun?" na tao. Ewan ko sa kanila. Bwahahahah.

Parang pag-suporta lang sa Ginebra yan eh.

Kung napilitan ka man, o kagustuhan mo talaga, may choice kang mag back out.

Habang pinapanood mo ang Ginebra, at hindi talaga kaya ng sikmura mong suportahan ang team na 'to, pwedeng pwede ka namang umayaw.

Lipat ka ng ibang team. O kaya hindi ka na manonood ng basketball forever.

Wala namang pilitan sa pag suporta eh. Marami pang ibang rides na pwede mong sakyan.

Kung ano man yung choice mo, whether sasakay ka o hindi,  may idea ka na kung ano ang mangyayari sa'yo kapag nag push through ka.

Pero kung malakas ang loob mo, o kaya ayaw mo lang talagang matawag na kill joy (kahit na feeling mo naha-high blood ka na), wala ng atrasan kapag nakaupo ka na at nakaseat belt na.

Pwera na lang kung mahilig ka sa eksena. Yung tipong handa na lahat, at magsisignal na sisimulan na ang ride, eh taska ka nag-back out.

Pero kung go na go ka na - congrats.

Yung pag-akyat nung ride, halos isang minuto yun.

Kakabahan ka.

Ito na ba? Nasa taas na ba? May itataas pa ba?

Maeexcite ka.

Wow. Ganito pa lang ang view dito sa taas. Ganda. Fresh air pa.

And while at the very top, kahit pa sabihin mong handa ka sa kung ano man ang pwedeng mangyari..

Sa biglang pagbagsak, magugulat ka.

Susubukan mong sumigaw to let all of your frustrations, pain, and kung anek anek out.

Parang pag-suporta lang sa Ginebra yan eh.

Madami kang pagdadaanan.

Mahabang pila sa Araneta.

Ibang fans na ang natatanging goal sa buhay ay sirain ang araw mo.

Mga games na feeling mo kulang sa puso o kaluluwa ang mga players.

Parang pag-suporta lang sa Ginebra yan eh.

Mararanasan mo ang ligaya sa bawat laro na umaangat tayo sa team standings.

Mararansan mo ang saya kapag alam mong maabot na natin ang championship.

At mararanasan mo rin ang sakit ng kabiguan, hapdi ng pagkatalo, at pait ng kasawian.

Pero sa sobrang bilis ng pagbagsak, hindi mo namalayang tapos na.

Nasa baba ka na uli.

Hindi ka namatay.

Ganun lang talaga.

Tapos na. Yun lang yun.

Ang tanong ngayon: Matapos mo ma-experience ang nakaka-kaba, nakaka-excite, at nakaka-gulat na ride, sasakay ka pa ba uli?

Kung oo, aba, matapang ka. Kasi ako di ko na inulit. Wahahaha.

Seriously though, kung ayaw mo na - edi lipat ka sa ibang rides.

Pero kapag napag desisyonan mong sumakay uli.. 

Huwag na huwag kang mag-aalala..

Marami tayong maghihiyawan, magtatawanan, o mag-iiyakan sa susunod.

Kaya kumalma ka lang at kitakits next conference, kabarangay.


You Might Also Like

19 comments

  1. Nice. #NeverSayDie <3

    ReplyDelete
  2. Ginebra pa rin! :)

    ReplyDelete
  3. di ako mahilig magbasa! pero binasa ko to nang buo.. see you next conference. :) Ginebra pa ren! sasakay paren ako!

    ReplyDelete
  4. Sasakay pa rin siyempre. Ginebra yan e!

    ReplyDelete
  5. Yeh Sarap basahin nto! kakagaan ng pakiramdam..:))
    IKAW kung GINEBRA ka talaga kita nlng tau next conference..:

    ReplyDelete
  6. hahaha wag na umasa na magchachampion pa ang ginebra! hanggang salita lang sa mga players na laban kung laban, puso kung puso. eh ngayon mas nakikita po ang never say die spirit sa ROS. AT KUNG MGA BAGITO KAYO AT DI NASUBAYBAYAN ANG PANAHON NILA JAWO WAG KANG EEPAL SA COMMENT KO. KASI WALA KANG ALAM! PAPUNTA KA PA, PABALIK NA AKO! tao na lang ang bumubuhay sa ALAMAT ng ginebra at hindi mismong team, wala ng JAWO, gusto man natin sabihin nakikita natin kay MC47 ang espirito ni JAWO eh BAGITO lang ang magsasabi nun. HARAPIN NATIN ANG KATOTOHANAN WALANG MAKAKAPANTAY SA GINAWA NIYA AT NG TEAM NOON. BUHAY PA ANG ALAMAT NG GINEBRA SA DUGO KO PERO SA PLAYERS, TEAM, COACHING STAFF PATAY NA! isang championship dalawa o tatlo man eh hindi batayan na nagbalik na ang alamat ng GINEBRA! hindi sa achievements yan, makikita at makikita mo yan kung ikaw ay TUNAY NA DUGONG GINEBRA! IYAK MGA IYAKIN, MAGLUKSA ANG MGA MAHIHINA ANG LOOB, PERO DI AKO NANGHIHINAYANG SA NANGYARI KUNG GANITONG PLAYERS, COACHING STAFF ANG SASAKAY SA ALAMAT NG GINEBRA! PWEEEH

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit anong sabihin mo, GINEBRA pa rin kami!

      Delete
    2. "AT KUNG MGA BAGITO KAYO AT DI NASUBAYBAYAN ANG PANAHON NILA JAWO WAG KANG EEPAL SA COMMENT KO. KASI WALA KANG ALAM! PAPUNTA KA PA, PABALIK NA AKO!"

      I respect what you have to say, but you have no right to tell me, or anyone else for that matter, that I don't know anything. I won't delete your comment, no matter how easy it is for me to do so, because I respect your opinion. Next time, though, don't hide behind that faceless picture and come off Anon.

      Happy Christmas!

      - Stephanie

      Delete
    3. Hoy HATER!!! Ang kapal naman ng mukha mo manlait. Bakit PBA player ka ba? Para ikaw mismo mgjudge sa Ginebra? OO MADAMI KANG ALAM TUNGKOL SA DATING GINEBRA, DAHIL SA LOOB-LOOB MO, GINEBRA FAN KA DIN DATI NUNG KAPANAHUNAN MO!!! At kung hindi ka na isa ngayon, bakit binasa mo pa to? Lumabas lang ang pagka-AMPALAYA mo LOLZ!!! Kahit anong gawin mo, o sabihin mo, GINEBRA PA RIN ANG MAHAL NG PBA FANS! Hindi mo maipagkakaila yan TSONG!!! Malamang sa malamang, MATANDA ka na kaya marami kang alam. Pero sa pagtanda MO, mas DUMADAMING BATA ang nagmamahal sa GINEBRA!!!

      Delete
  7. Hoy HATER!!! Ang kapal naman ng mukha mo manlait. Bakit PBA player ka ba? Para ikaw mismo mgjudge sa Ginebra? OO MADAMI KANG ALAM TUNGKOL SA DATING GINEBRA, DAHIL SA LOOB-LOOB MO, GINEBRA FAN KA DIN DATI NUNG KAPANAHUNAN MO!!! At kung hindi ka na isa ngayon, bakit binasa mo pa to? Lumabas lang ang pagka-AMPALAYA mo LOLZ!!! Kahit anong gawin mo, o sabihin mo, GINEBRA PA RIN ANG MAHAL NG PBA FANS! Hindi mo maipagkakaila yan TSONG!!! Malamang sa malamang, MATANDA ka na kaya marami kang alam. Pero sa pagtanda MO, mas DUMADAMING BATA ang nagmamahal sa GINEBRA!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama yan ser.....ginebra is ginebra kahit anong palit ng player at mag bago ang mga coach ginebra parin tayu sabi nga nila hangat may PBA may ginebra oo sabi nga nila wala na yung ALAMAT NG GINEBRA pero bakit marami parin tumatangkilik sa ginebra marami paring nag kakandarapang manood at maka saksi ng laban...very simple... pag may laban ang ginebra very exiting halos dikana makagalaw sa kina uupuan mo lalo nat kung last two minutes diba aminin nyo halos lahat ng santo tinatawag natin manalo lang tayu.....KAYA KAHIT SA PAG TANDA NATIN MA NANATILI ANG ALAMAT NG GINEBRA....ALWAYS GINEBRA......

      Delete
  8. Salamat sa blog mo atey! Nakagaan ng pakiramdam kahit papano. :) More Ginebra-related blogs! ^_^

    ReplyDelete
  9. correct.... magpakilala ka... DUWAG!

    ReplyDelete
  10. HAHAHA! kahit anong team sa PBA walang makakapantay sa GINEBRA pag dating sa dami ng FANS at TOTOONG nagmamahal. Ö wala kaming paki sa sasabihin niyo mga haters. BASTA, FOREVER GINEBRA kami manalo matalo! :)

    ReplyDelete
  11. GINEBRA FOREVER WALA NG MA KAKAPANTAY SA ALAMAT NG THE LIVING LEGEND....NAKAHIT NA MAG IBANG IBANG PLAYER SILA....GINEBRA #1

    ReplyDelete
  12. sayang..sana naman nxt comference....tayo nman...matalo manalo dugong ginebra p rin kmi....nkatatak n yansa pg katao ko.........

    ReplyDelete
  13. ...that man behind that animosity should stop what he is saying.. kung di ka na sya GINEBRA, gaya ng sabi ni ms.steph andami pang rides dyan para sa kanya. move on kung sino a man. if u don't like ginebra, be it.

    ReplyDelete
  14. ginebra p din ang no.1 walang mkakatalo kea qng cnu k man n hater e d lumipat k n s mga team n myybang pero bnbyaran nmn ang mga fans para cgawan cla hahaha nkita q yan pg nanonood aq s araneta at ynares kht nd ckat ung player bnbyaran ung tao para pgcgawan lng hehehe pero nice tong blog n 2 nkkgaan ng loob kea pnu ginebra p rn teu kht mwala man o dumagdag man ang mga superstar jeff nga pla from antipolo

    ReplyDelete

Oh, hello there.