Magiging Okay Din Tayo

Funny how things work. Sinimulan natin itong conference na ito with an astounding John Cena you can't see me win against Talk N' T...

Funny how things work.

Sinimulan natin itong conference na ito with an astounding John Cena you can't see me win against Talk N' Text.

Aakalain mong nagsibabaan na ang mga anghel at santo dahil sa sobrang happiness natin.

Kaya sinong magaakala na yung mismong team na kinaladkad at nilunod natin sa Philippine Arena will be the same team na magpapapunta satin to our second home for the last seven years.

Maraming questions ang gumugulo sa utak ko ngayon.

"Ano na?"

"Na naman?"

"Uli?"

Maraming kadramahan ang pinagdaraanan ko ngayon.

Yung tipong mapapatitig ka na lang sa computer screen mo tapos............... Ganun.

Yung tipong kahit na higupin mo lahat ng positivity quotes, waley pa rin.

Yung tipong lahat ata ng available reason, kahit di na connected, eh naibigay mo na.

Sa loob ng seven years ba naman kasi, imposibleng di maubos ang lahat ng sunny side up energy mo.

"#BounceBack"

"#GoGinebra"

"#NSD"

Pero ngayong, for the nth time in forever, talo na naman tayo, di ko na alam kung anong mararamdaman ko.

Dumaan na ako sa sadfacedahilsaginebra phase.

Naranasan ko na rin yung TANGINANIYOGINEBRA phase.

Graduate na rin ako sa bakiiiiiiiiiitginebra phase.

Tapos na rin ako sa kelanpaaaaaaginebraaaaa phase.

Feeling ko talaga nasa alaskafannaakouli phase. Hahahahahahahahahahhahha

Pero kung ano mang phase ang pinagdadaanan mo, know na matatapos rin yan.

Di naman pwedeng umulan forever diba?

Waley ka naman kilalang hindi mamamatay diba?

Natapos nga ang reign ng favorite team ni Papang Frank diba? hahaha

Kaya kung malungkot ka, feel it until you're not sad anymore.

Kung galit ka, magalit ka lang. Normal lang yan. Awayin mo kapitbahay mo dali TNT fan yun haha

Kung nagtataka ka, aba, seven years na ano pang ipinagtataka mo dyan? lols

At kung feeling mo give up ka na sa Ginebra lumayas ka we don't need you here anyways haha bitter.

Basta ang pinanghahawakan ko na lang ngayon eh someday magiging masaya rin tayo.

Yung someday na yan, whether sa February 2015 or February 2020 pa yan.. Dadating din yan.

Promise. Peksman. Cross my heart.

At kung as of the moment eh feeling mo end of the world na  at wala ng mas pa sa sitwasyon mo..

Isipin mo ang mga batang pinagtataguan ng ninong at ninang..

Isipin mo ang mga studyanteng nakatanggap ng picture frame sa Xmas party nila..

Isipin mo ang mga taong paubos na ang battery ng cellphone at walang charger..

O kaya naman isipin mo ang mga pamilyang walang pang noche buena..

Yung mga taong nasalanta ng bagyo at nawalan ng tirahan..

O yung mga OFW na hindi makakapiling ang pamilya ngayong pasko..

Pero alam mo, at feeling ko alam mo naman talaga ito..

Pagkatapos ng araw na ito, God willing, a new day will arrive.

Talo nga Ginebra natin today..

Pero bukas o makalawa, magiging okay na tayo.

Magiging okay din tayo.

You Might Also Like

2 comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Too accurate. :D pag dumating ung araw na un sisiguruhin kong Ultimate Fan pa rin ako ng Ginebra. :D Mag iingay ang buong Pilipinas pag nagkataon. Mababalik satin ang koron.kapit lang.

    ReplyDelete

Oh, hello there.