Ang Ginebra Die Hard

Ang dami na ng nasabi regarding the unGinebra like Ginebra this conference. Marami na ring comments kung sino dapat matrade or di kaya dap...

Ang dami na ng nasabi regarding the unGinebra like Ginebra this conference.

Marami na ring comments kung sino dapat matrade or di kaya dapat palitan.

Halos lahat ng patungkol sa Ginebra, ang nega nega.

Pero I'll take this opportunity to enlighten everyone with a positive note.


Hindi ko pinanood ang game nila vs Alaska. (Basta, may rason ako)

Heading to Sunday, I was on different kind of high. Hindi ako adik, I swear

Ang ganda ng weather, mukhang mananalo Ginebra.

No.

As in, no.

No no no no way. No no no no waaaaaaay.

Drubbing. Halos lamunin tayo ng Alaska.

Or nilamon nga talaga tayo ng Alaska.

Nalungkot ba ako? Malamang.

Nadepress ba ako? For sure.

Nanghina ba ako? Very very light.

Imagine this.

Ginebra was painfully dealt their fourth loss in front of a sell out crowd on a Sunday evening.

Syempre lahat ng basketball fans, Ginebra man o hindi, may comment.

Bakit natalo?

Pangit ang system. Maling player nasa court. Atbp.

But in the midst of the sea of complaints and destructive criticism that was threatening to swallow us all up..

There was a tiny red buoy..

Floating..

Going with the tide..

A small dot from a far but a sign of something.

Something positive.

Pinanood ko yung replay before I wrote this blog post because I was very curious about the Gi-ne-bra! chants during the last canto of the game.

To everyone who joined the chanting of the age old chorus Sunday night - saludo ako sa inyo!

Kahit na tambak na tayo.

Kahit na naka-tres si JVee Casio.

Putang ina.

Kahit na mukhang matatalo na tayo.

I just want to take time to write about why, at least for me, Ginebra is an institution.

Yung mga nasa Upper A or Upper B. Yung mga nasa GenAd.

Aminin niyo man o hindi, yung mga karpintero, construction worker, mga working class.

Kayo ang dahilan kung bakit instutusyon ang Ginebra.

Kayo.

You guys.

Kamo.

At kahit pa ilang talo, ilang taon na walang championship, ilang masasakit na salita from non-believers..

Alam ko na babalik at babalik pa rin kayo para supportahan ang Ginebra.

Oo, kayo.

Hindi ako kasama kasi hindi ko pa na aattain ang level niyo.

Beginners level pa lang ako, kayo hard core na.

Kapag mukhang matatalo na, palipat-lipat na ng channel.

Kapag mukhang matatalo na, panghihinaan na ng loob.

Kapag mukhang matatalo na, bad mood na agad agad.

Pero kayo? Pakshet.

Ibang klase. Para kayong galing outer space.

Bakit?

Kasi pinapalakas niyo loob ng mga players?

Kasi pinapakita niyo sa kanila na andyan lang kayo?

Kasi pinapakita niyo sa lahat na kahit anong mangyari, support pa rin?

HINDI.

Bakit ibang klase kayo?

Kasi yung mga players, sa totoo lang, trabaho nila yan..

Kasi yung mga coaches, sa totoo lang, trabaho rin nila yan...

Gets ko na we cheer them to show our support..

Gets ko rin na we air our frustrations not because we're angry (ok fine, very slight lang) but because we care..

Pero nung narinig ko yung chants niyo.. wow lang. WOW.

That cemented the fact that you guys are the reason why Ginebra is an institution.

Given na yung players, malamang players yan. Alangan naman hindi sila mag-laro.

Pero yung mga fans na, day in day out.

Yung mga fans na, talo o panalo.

Yung mga fans na, kahit pikon na pikon na.

Andun pa rin kayo.

Mahabang pila.

Agawan ng upuan.

Minsan nga sa hagdan na lang.

Yung mga fans na hindi nasusulat sa blogs, sa sports articles.

Yung mga fans na pati kapwa fans binibigyan ng pag-asa.

Yung mga fans na masasabi mong tunay na Ginebra fan.

Kayo.

KAYO PO ANG DAHILAN KUNG BAKIT GINEBRA ANG GINEBRA.

Hindi ako magpapasalamat kasi hindi niyo iniwan ang Ginebra nung natambakan tayo ng Alaska.

Hindi ako magpapasalamt kasi pinakita niyo sa kanila na support pa rin kayo kahit ano pa mangyari.

Hindi ako magpapasalamt kasi pinafeel niyo sa mga players na mahal niyo sila at super fans kayo.

Nagpapasalamat ako kasi sa panahon na lugmok na, pinaalala niyo kung bakit dapat lumaban pa.

Nagpapasalamat ako kasi sa panahon na nawalan na ng gana, pinaalala niyo kung bakit dapat maging matatag.

Nagpapasalamat ako kasi sa panahon na bibitiw na, pinaalala niyo kung bakit ang sarap maging Ginebra fan.

Talo tayo. Actually, pang-apat na 'yun.

Sana manalo na tayo sa Sunday.

Pero kung hindi tayo swertehin sa Linggo (wag naman sana!) at kahit na feeling ko ikamamatay ng kaluluwa ko kung nagkataon.. handa na ako.

Kasi alam ko hindi lang ako ang magiging depressed if that would happen lol

Seriously, though.

Handa na ako, kasi kung totoong Ginebra die hard ka - kahit na lamang pa ng trenta puntos ang kalaban at kahit pa magmukha kang tanga sa kasisigaw diyan..

Magchicheer ka pa rin.

Susuportahan mo pa rin sila.

Ginebra fan ka hanggang sa dulo, hindi lang kapag nananalo.

Kahit four more years of championship drought pa yan, okay lang.

Kasi alam ko na si manong jeepney driver, si kuyang construction worker, si ateng saleslady, si Buboy at si Sandra.. andyan lang, sumusuporta sa Ginebra.

Sa TV, sa radyo o sa Araneta.

Manalo, matalo, o nadaya.

Masaya, malungkot, o suicidal.

Kapag Ginebra fan ka, hindi ka mag-iisa.

At for me, yan ang rason kung bakit insitusyon ang Ginebra.

Kasi alam natin na hindi tayo nag-iisa kahit ano pang challenges ang pagdaanan natin.

At kahit 4 game losing streak, kahit 1 more year of no championship..

Ginebra fan ako at alam kong hinding-hindi ako mag-iisa.

You Might Also Like

35 comments

  1. GI-NEB-RAAAAA! ♥

    ReplyDelete
  2. "Kapag Ginebra fan ka, hindi ka mag-iisa." from the heart of a die hard fan... :)

    ReplyDelete
  3. wow! very touching..mas lalo akong naging proud GINEBRA fan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. very touching nga.. tindig balahibo ko eh..

      Delete
  4. Die hard kung die hard! Balewala yang 4 game losing skid na yan!

    ReplyDelete
  5. ♥wow as in wow! Bilib talaga ako sa mga taong walang sawang sumusuporta sa ginebra at symepre proud ako na fan ako nila! Manalo man o matalo! Walang iwanan iloveGInebra!!

    ReplyDelete
  6. Ang tunay na lahing ginebra, di lang maka ginebra pag nagpapanalo ang Ginebra. Ako nung matutong magbasketball, at nagpalit na ng line-up up. dito pa rin ako. Kahit walang ipanalong game sa loob ng isang taon, Ginebra pa din ako. Masakit lang sa puso panoorin na walang puso ang mga players ngayon,yung puso na kahit tambak na ng trenta o singkwenta eh magda dive pa rin sa bola. I think Mark being the current inspirational leader of the team, should motivate his teammates and let them be involved sa game, di lang puro tira ng tira. Ang basketball madaling laruin pag lahat may involvement sa laro.

    Turling Turero po - Lahing Ginebra, mula noon hanggang ika limampung henerasyon ng Ginebra.

    ReplyDelete
  7. sama sama sa panalo man o sa talo.. very nice article.

    ReplyDelete
  8. Nakaka-proud kasi Ginebra ako.. Never Say Die.. Natalo man tayo ng apat na sunod-sunod.. Naniniwala pa rin tayo na kakayanin nila ang mga laban sa susunod.. Kapit Bisig... Walang Iwanan GINEBRA.. #LoveUGinebra #SupportGinKings

    ReplyDelete
  9. kahit lamang ang GINEBRA ng 20 pts o tambak sila ng 20 pts, a ginebra die hard will always there to cheer GI-NEB-RA..
    kahit nasa taas o dulo man ng standing, andyan lang yung suporta.. i'll always be a ginebra fan and proud of it..

    ReplyDelete
  10. mananalo na kayo sa sunday yun utos ng management pusta pa?!

    ReplyDelete
  11. SUPER LIKE..
    Never say die talaga.. tindig balahibo ko..

    ReplyDelete
  12. tnx talaga sa lahat ng die hard GINEBRA fans.,!
    KAYO PO ANG MGA TUNAY NA HARI.,!

    ReplyDelete
  13. Ginebra.. Lupet.. All the way wala kong paki alam talo panalo champion hinde.. Ginebra padin ako.. 25 years na kong fan..

    ReplyDelete
  14. APAT NA SUNOD NA TALO ? ? ? ? ? WALA YAN . . . . ! ! ! NUNG NAKARAAN NGA LIMANG SUNOD NA TALO PERO GINEBRA PA RIN ANG CHAMPION . . . . WATCH AND LEARN ! ! ! ! !

    ReplyDelete
  15. solid ginebra pa rin ako....hanggang ako'y nabubuhay.....GINEBRA2PRE!!!FOR THE WIN!!!

    ReplyDelete
  16. Arigato gozaimashita Ginebra!!!
    gambare!!!!

    ReplyDelete
  17. Kaya ntn to mga kabarangay! tiwala lng sa team! Never say die! Gi-nebra! gi-neb-ra!

    ReplyDelete
  18. naiyak ako dito pramis... :((( galing mo po talaga...

    ReplyDelete
  19. Like! Goosebumps......Only a true fan couldve written such a beautiful article. Congrats!

    ReplyDelete
  20. wow! inspiring : )

    ReplyDelete
  21. Da best!!!ang tunay fan ng Ginebra,walang pambili ng T-shirt na my nakasulat ng ginebra...walang pampagawa ng tarpuline katulad ng sa tnt....nakasulat sa kartulina....at ang mga fan ng ginebra....Asa General admission..ibig sabihin suporta galing sa puso..hindi sa bulsa...yan ang mga DIE HARD FAN!!!!

    ReplyDelete
  22. ikaw na men ! kabarangay ! :D

    ReplyDelete
  23. WOW!!!LUPIT NG BLOG MO BRO GINEBRA FANS DIN AKO..NEVER SAY DIE..

    ReplyDelete
  24. mga 3 or 4 na posts mo ata nasa wall ko sa fb..pag down ako binabasa ko...kuhang2 mo po talaga nararamdaman ng isang die hard ginebra fan..thank you... :)

    ReplyDelete
  25. aq avid fan tlaga aq ng ginebra. Wlang iwanan matalo manalo G I N E B R A prin. Go ginebra Go.

    ReplyDelete
  26. aq avid fan tlaga aq ng ginebra. Wlang iwanan matalo manalo G I N E B R A prin. Go ginebra Go.

    ReplyDelete
  27. galing kaiyak na npapasmile aq hehehe

    gudluck guys!!! BGSM,BGK,GINEBRA.....NSD

    ReplyDelete
  28. ginebra fan forever! ginebra ginebra ginebra!

    ReplyDelete
  29. This the real meaning of GINEBRA!!!

    ReplyDelete
  30. Oh! no!...this is the first time I cried reading a blog post...GINEBRA FANS are the best!!! and I'm proud to be ONE!!! :D

    ReplyDelete

Oh, hello there.